Kris walang bonggang b-day party sa Feb. 14; talk show nila ni Ka Tunying tuloy na

KRIS AQUINO

KRIS AQUINO

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito kamakailan tungkol sa bagong talk show na pagsasamahan nina Kris Aquino at Anthony Taberna na magsisimula na raw sa Peb. 22, Lunes.

Walang binanggit sa amin ang kausap naming taga-Dos kung taped as live ito o live sa studio since pilot episode nga nila ito.

Anyway, kaarawan ni Kris sa Linggo, Peb. 14 at balak niya itong i-celebrate kasama ang kanyang buong pamilya. At tulad nga ng nasulat namin, mukhang napapanindigan ng Queen of All Media ang kanyang pangako na huwag nang i-post sa Instagram o Twitter ang lahat ng nagaganap sa buhay niya.

Piling-pili rin ang mga pino-post niya at ‘yung isang account niya sa Instagram ay naka-private na rin.

Going back to Kris’ new show with Ka Tunying, curious na ang lahat kung ano ang magiging concept ng kanilang programa.

Read more...