Bayani bubuhayin si Dolphy sa bagong sitcom

By Julie Bonifacio February 12,2016
share this

Bayani bubuhayin si Dolphy sa bagong sitcom

By Julie Bonifacio February 12,2016
share this
BAYANI AGBAYANI , KARLA ESTRADA AT DANIEL PADILLA

BAYANI AGBAYANI , KARLA ESTRADA AT DANIEL PADILLA

HINDI pa man nakakapag-last taping day ang komedyanteng si Bayani Agbayani para sa ABS-CBN’s primetime drama series na Pangako Sa ‘Yo ay may bago na agad siyang programa sa Dos.

And although, hindi naman talaga sa main channel ipalalabas ang bago niyang show kundi sa ABS-CBN Digital Box channel na Cine Mo mapapanood kung saan bida sila ni Queen Mother Karla Estrada. Ang title ng show ay Funny Ka Pare Ko sa direksyon ni Jon Red.

“Nakaka-four episodes na kami, sitcom siya. Napakasaya, nakakatuwa. Alam mo maraming salamat sa ABS-CBN. Kasama namin ang mga taga-Funny One (ng Showtime) finalists at si Jason Gainza bale bayaw ko, kapatid siya ni Karla,” bungad ni Bayani nu’ng makausap namin siya after ng Q&A portion sa finale presscon ng Pangako Sa ‘Yo.

Ang pini-peg daw ng Funny Ka Pare Ko ay ang dating sitcom ni Comedy King Dolphy with Nida Blanca, ang John En Marsha. Kaya si Bayani ang bagong Dolphy sa TV.

“Hindi naman! Ha-hahaha! Alam mo ngayon ko lang nalaman, kasi sila naman ang nagsasabi, kasi rito hindi nila ako pinapatawa. Seryoso ako rito. Ngayon ko lang nalaman na ‘yung ginagawa pala ni Mang Dolphy ever since napakahirap,” diin niya.

Pero riot daw lahat ng eksena nila sa Funnny Ka Pare Ko at masarap din daw katrabaho si Karla.

“Alam mo sa totoo lang, ang mag-ina na ‘yan, si Daniel (Padilla, katrabaho niya sa PSY) at si Karla, nakita ko sa kanila kung paano sila tumulong sa kapwa nila. Oo, si Karla sobra. Si Daniel, ganoon din,” sabi ni Bayani.

Ang bata-bata pa lang daw nag-umpisa sa showbiz ni Daniel, e, napaka-professional na. Kailangan pa raw niyang unahan sa set si Daniel, “Si Karla naman, gabi-gabi yata nagi-issue ng tseke. Lahat tinutulungan niya. Tinanong ko nga siya minsan, e, ‘Bakit mo ginagawa ‘yan?’ Sabi niya, kapag sini-share mo ang blessings mo lalong dumadami, which is true naman. Totoo naman ‘yun.”

Anyway, bukod sa Funny Ka Pare Ko may isa pa siyang sitcom na gagawin para sa ABS-CBN. Ibabalik sa ere ng Kapamilya network ang sitcom na Palibahasa Lalaki na pagbibidahan ni Daniel at iba pang matinee idols ng Dos.

Umaasa rin siya na mapalabas ang show nila na Funny Ka Pare Ko sa ABS-CBN. Kapag pumutok ang show nila saka ipu-push ni Bayani ang movie na gusto niyang gawin under Star Cinema.

Pero hindi pa raw pwedeng i-reveal although ang gusto niyang mangyari lahat ng komedyante na available isasama niya sa pelikula, “Sinasabi ko ‘yan lagi sa mga kapwa ko komedyante na it’s about time na tulong-tulong na tayo na gumawa ng isang malaking pelikula. Kasi sa Hollywood ganoon na sila, e. Anim na star comedians, lahat sila sama-sama sa isang movie. Kausap ko na si Direk Bobot (Mortiz),” lahad pa ni Bayani.

And speaking of Daniel, hindi naiwasan ng Teen King na gunitain ang most unforgettable scenes na ginawa niya sa Pangako Sa ‘Yo.

“Yung trailer na tumatakbo kami sa burol, memorable para sa akin ‘yun, kasi ‘yun ang simula ng lahat.

Du’n namin na feel na ito na nga. Legendary ang eksena na ‘yun para gawin namin. Honor ‘yun para sa amin,” sabi ni Daniel.

Huwag palampasin ang finale episode ng Pangako Sa ‘Yo ngayong gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN Primetime Bida.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending