Toni Gonzaga buntis na sa panganay nila ni Paul Soriano

PAUL SORIANO AT TONI GONZAGA

PAUL SORIANO AT TONI GONZAGA

KAHAPON nabalitang buntis na raw si Toni Gonzaga sa first baby nila ni direk Paul Soriano. And that’s good news kung totoo nga.

Pero habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang kumpirmasyon mula sa kampo ng mag-asawa.

Ang tanong lang ngayon, kung pregnant na nga si Toni, matapos pa kaya niya ang bagong primetime series ng ABS-CBN na Written In Our Stars kung saan kasama niya sina Piolo Pascual, Sam Milby at Jolina Magdangal?

Kung matatandaan in-announce ng Dreamscape Entertainment noong July, 2015 ang pagsisimula ng taping para sa nabanggit na serye at nakatakda sanang umere ngayong first quarter ng 2016.

Sa presscon nga nito last year sinabi ni Toni na hangga’t maaari ay hindi pa siya maaaring mabuntis dahil nga sa nasabing proyekto.

Ikinasal sina Toni at Paul noong June 12, 2015.

Read more...