Look: Maine, Carla bongga sa hand-painted gown ni Heart

 

BONGGA ang hand-painted gowns na gawa ng aktres na si Heart Evangelista, na ipinasuot naman sa kapwa niya Kapuso stars na sina Maine Mendoza alyas Yaya Dub at Carla Abellana.

Nag-share si Heart ng kanyang Instagram photo nina Maine at Carla na suot ang mga gown na may pinta niya.  Ang black dress na suot ng dalawa ay bahagi ng kanyang koleksyon na “Mark Bumgarner x Love Marie” na gawa ng designer na si Mark Bumgarner.

“The reason we do what we love… #MBxLM #lovemarihandpainteddresse on @mainedcm @markbumgarner *kilig*,” sey ni Heart sa kanyang IG post.

“The beautiful @carlaangeline wearing a #MBxLM still very kilig about the magic of this dress… it’s also my favorite @markbumgarner we should frame this,” sey naman niya about Carla.

Habang isinusulat natin ito, ang post ni Heart sa IG ay umabot na sa mahigit 14,000 likes.

Kamakailan lang ay nagpahayag ang aktres na pansamantala niyang lilisanin ang showbiz para mag-focus sa painting.

Read more...