Derek: Hindi naman ako ganu’ng klaseng lalaki!

derek ramsay

Kahit anong pilit ng entertainment press kay Derek Ramsay na magsalita tungkol sa break-up ng kanyang former girlfriend na si Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz ay talagang ayaw nitong magsalita kung naniniwala siyang hiwalay na nga ang dalawa.

“Wala talaga akong…well, no, I’m not gonna pry into the relationship of Angel and John Lloyd. I’m not going to pry into her life. You know, hindi ako ganu’ng klaseng lalaki. “I don’t know what their stand is, the last time we spoke, akala ko they’re still together.

I haven’t heard it from her. I haven’t heard it from him. Wala pa akong nakikitang interview nila.
“Hindi ako aamin, wala akong alam. Ako, ang belief ko, sila. So, let’s just give them the respect they deserve, if ever it’s true.

Hintayin nating magsalita sila. Kasi, nakakainsulto kapag hindi totoo,” ang sey ni Derek. Kasabay nito, dinenay naman ni Derek ang balitang regular na uli ang komunikasyon nila ng kanyang ex-girlfriend.

“No, no, we don’t exchange dialogue or through Instagram. Through text talaga. Yun nga, binati ako noong birthday ko. Since my birthday siguro, three times,” sey pa ng hunk actor.

Read more...