Paulo walang ka-date sa V-day: Mag-isa lang ako!

paulo avelino

Walang balak makipag-date si Paulo Avelino sa darating na Valentine’s Day. Ayon sa Kapamilya actor, hindi raw siya ‘yung tipo ng tao na gagawin ang isang bagay “because everyone is doing it.” “For me, parang just treat every day like Valentine’s Day,” aniya.

Nang tanungin kung nasaan siya sa Feb. 14, tugon ng binata, “For Valentine’s, I’ll probably be spending it on a plane. I’ll be spending it on the plane with lots of champagne and my reading materials.”

Nakatakda kasing magtungo sa USA si Paulo kasama ang iba pang Kapamilya stars. Tungkol naman sa relasyon ng kanyang ex-girlfriend na si LJ Reyes at sa bago nitong boyfriend na si Paolo Contis, “For me, whatever makes them happy.

If they’re happy being together, they’re happy. I’m just happy for them.” Samantala, tinatapos na ni Paulo ang ilan pa niyang mga eksena sa Primetime Bida series na On The Wings Of Love.

Pagkatapos nito, gagawin na rin niya ang movie nila ni Anne Curtis under Star Cinema and Viva Films.

Read more...