Binay umupak kay PNoy: Nakakahiya wala siyang nagawa

MULING inupakan ni UNA presidential candidate Vice Presidrnt Jejomar Binay ang umano'y palpak, manhid at kapos na pagkalinga sa mga Pilipino ng administrasyong Aquino.
Nakakahiya aniya ang gagawing pagtatapos ng rehimeng Aquino dahil hindi natupad ang mga ipinangakong pag-unlad ng buhay ng mga Pilipino sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Ito ang nilalaman ng talumpati ni Binay sa ginawang kick off rally ng kanyang partido sa Mandaluyong City Martes.
Wala rin umanong silbi ang ipinagmamalaking pag-unlad sa ekonomiya kung marami pa rin ang nagugutom,walang trabaho at walang pambili ng gamot.
Sa pamamagitan aniya ng tambalan nila ni Honasan ay maasahan ng taumbayan ang tunay at makabuluhang pagbabago.
Hindi  aniya tulad ng kanyang mga kalaban ay malawak ang karanasan niya sa pamumuno at di karahasan ng puro kapalpakan.

Read more...