Pamilya ayaw sa BF

DEAR Manang at Tropa, good day po sa inyo Ate Pher at tropa. Ako po si Lyn-Lyn, 20, from Maguindanao.

Ask ko lang po sa inyo kung anong dapat kong gawin kasi po ayaw ng pamilya ko sa BF ko. Ang sabi nila ay manloloko raw po ang pa-milya ng BF ko. Sa ngayon ay may communication pa po kami ng BF ko at hindi po alam ng pamilya ko na lagi kaming nag-uusap.

Mahal ko po ang BF ko at mahal ko rin po ang pamilya ko. Anong dapat ko pong gawin? Thanks and more power.

Hello Lyn-Lyn ng Maguindanao!

Salamat sa message mo. Hindi kita masisisi kung inililihim mo ang pakikipag-usap sa BF dahil hindi boto ang pamilya mo pero I hope hindi magtagal ang pagtatago mo nito.

Kung mahal n’yo ang isa’t-isa ay ipaglaban ninyo ang inyong pag-ibig.

Huwag mong itago ito sa pamilya mo dahil mas masasaktan lamang sila kapag nalaman nila ito sa huli.

Mas mainam sigurong ipaunawa at ipakilala mo sa kanila ang nobyo mo upang maintindihan nila ang mga qualities na nagustuhan sa katipan.

Right timing lang ang kailangan kaya dapat maghanap ng timing. Sa huli ay maiintindihan din nila at tatanggapin ang sitwasyon. Maging patient at positive. Good luck, Lyn-Lyn!

Ang payo ng tropa:
Hi Lyn-lyn,

Ang maganda ay kausapin mong mabuti ang pamilya mo at ipagtapat sa kanila na nahihirapan ka dahil nga ayaw nila sa BF mo, pero mahal na mahal mo naman di ba?

Mahirap ang palihim na relasyon, mas lalo lang magagalit ang family mo kapag nalaman nila na may relasyon pa pala kayo ng BF mo.

Ipaliwanag nang maayos sa isyong pamilya ang iyong nararamdaman. Magiging maigi ang relasyon ng lahat kung kakausapin at pagpapaliwanagan sila.

I’m sure pagbibigyan ka ng family mo basta mangako kayo ng BF mo na magiging maayos ang relasyon ninyo at makikita nila na nagmamahalan talaga kayo.

Ate Jenny

You and me against the world pala ang sitwasyon mo at ng iyong boyfriend ngayon. Hindi lang naman ikaw ang nakararanas ng ganyan. Marami pang kagaya mo na tutol ang pamilya sa lalaking iyong minamahal.

Hindi mo masisisi ang pamilya mo kung ganyan sila ka-protective. Maaaring malalim ang pinag-uugatan nito at iyon ang iyong alamin.

Kung sakaling naarok mo ang pinagmulan, pag-aralan mong timbangin ang sitwasyon gaya nang kaya mo bang iwan ang pamilya mo para sa iyong BF o the other way around.

Kung kaya mong iwan ang pamilya mo para sa iyong minamahal na BF, ang tanong kaya rin bang gawin ng BF mo na iwan ang kanyang pamilya para sa ‘yo?

Serena via Facebook

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com at jenniferbilog@yahoo.com.ph o sa inquirerbandera2016@gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe
sa 09999858606.

READ NEXT
Ash Wednesday
Read more...