Erik kay Rufa Mae: Sana alagaan talaga siya ng mapapangasawa niya!

rufa mae quintos

HAPPY ang Prince of Pop na si Erik Santos sa engagement ng kanyang ex-girlfriend na si Rufa Mae Quinto sa non-showbiz boyfriend nito.

Sa presscon ng Valentine concert ni Erik titled “ROYALS” kasama sina Angeline Quinto, Martin Nievera at Regine Velasquez, sinabi ng award-winning singer na dumating na ang tamang panahon para lumagay sa tahimik ang sexy comedienne.

“I think it’s time for her to get married. I know she loves her family so much. Grabe na ‘yung serbisyong naibigay niya sa pamilya niya.”So, this is the right time na sarili naman niya ang intindihin niya and she deserves that, She deserves to be happy,” ani Erik.

Dagdag pa ng binata, “Sana lang alagaan talaga siya nu’ng kung sino man ang mapapangasawa niya.”
Kamakailan, in-announce ni Rufa Mae na engaged na siya sa kanyang Filipino-American boyfriend na si Trevor Magallanes.

Naganap daw ang proposal sa Amerika. Ayon pa kay Erik, kino-consider niyang “unforgettable love” si Rufa Mae, “Unforgettable kasi madami kaming bagay na pinagsamahan and na feel ko din sa kanya ‘yung through thick and thin nandiyan siya sa tabi ko nung mga panahon na ‘yon.”

“Until now, we are really good friends kasi we try our best to be best of friends pa din,” hirit pa nito.
Nang tanungin kung payag ba siyang kumanta sa kasal ni Rufa Mae, “I’m more than willing to sing for her wedding.

Iba naman ang pinagsamahan namin and we are still friends. Sobra akong masaya para sa kanya.”
Para naman kay Angeline, walang problema kung kunin siyang wedding singer ng ex-GF ni Erik na nababalita namang boyfriend niya.

“Wala po akong pinipiling tao na kakantahan ko. Si Erik, very open naman siya sa akin about kay Rufa Mae. Ikinukwento niya nga sa akin na matagal ng pangarap ni Rufa Mae ‘yon.

Sinasabi niya na siguro hindi sila para sa isa’t isa. So sobrang happy siya para kay Rufa Mae,” pahayag ng biriterang dalaga. Samantala, super excited na sina Erik at Angeline sa nalalapit nilang Valentine concert kasama sina Martin at Regine, pero kasabay nito, inaatake na rin daw sila ng grabeng nerbiyos.

Inamin ni Erik na idol na idol niya si Martin at hindi na siya makatulog habang nalalapit ang kanilang “ROYALS” concert na gaganapin sa Feb. 13 sa Mall of Asia Arena, “But I’m more than excited. Sobra ‘yung nararamdaman kong kaligayahan sa aking puso.”

Read more...