Daniel ‘Inagaw’ si Kathryn kay Diego Loyzaga

kathniel padilla

Sa nalalapit na pagtatapos ng Primetime Bida series na Pangako Sa ‘Yo, naglabas pa ng pasabog ang dalawang leading man ni Kathryn Bernardo – sina Diego Loyzaga at Daniel Padilla.

Natanong kasi sa isang programa si Diego kung totoong niligawan at naging mag-MU sila ni Kathryn noon bago pa ito ligawan ni DJ. Pag-amin ni Diego, “High school pa ‘yun. Hindi ko nga alam kung tatawagin kong ligawan.

Pangit naman ‘yung term na MU, pero nagkagusto ako sa kanya. Hindi po MU. Nagkagusto lang po ako kay Kathryn.” Nang tanungin ang binata kung nasaan si Daniel that time, biglang sumingit ang Teen King, “Nandoon ako.

Anong hinayaan? Inagaw ko nga eh.” “Nagpaalam pa ako kay Diego noon. Kasi hindi naman talaga sila. Sa pagkakaalam ko may gusto siya kay Kathryn at nirerespeto ko ‘yun,” dagdag pa ni DJ.

Hirit naman ni Diego, “Friend ko si Kathryn. Nakilala ko siya high school pa lang. Kaya nga para sa akin, hindi siya issue. Ginagawa lang siyang issue. Tsaka nakita kong happy si Kathryn with DJ,” sabi niya.

Read more...