Ciara Sotto may patama sa mga kabit

ciara sotto

Isang Instagram post mula kay Ciara Sotto ang umagaw ng atensiyon ng mga netizen – ito’y may kunek sa mga third party o mga kabit. “A friendly reminder….God is not going to bless you with someone else’s husband,” ayon sa actress-pole dancer.

Nang tanungin ng isang follower si Ciara tungkol dito, ito ang naging tugon niya, “Hindi ko naman siya tinag eh! Pero muntik na. Lol. Naaawa lang ako ng konti.” Ilang netizens naman ang nagsabi kay Ciara na huwag maawa sa mga kabit dahil marami na silang “winasak na tahanan”.

Dapat daw sa mga ganitong klaseng babae ay tinuturuan ng leksyon para huwag nang mang-agaw ng asawa ng may asawa. Kung matatandaan, nakipaghiwalay si Ciara sa asawang si Jojo Oconer dahil diumano sa pagkakaroon nito ng other woman.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang mister ni Ciara tungkol sa kanilang break-up.

Read more...