NAKAUSAP namin nang solo si Diego Loyzaga sa ABS-CBN pagkatapos ng finale presscon ng Pangako Sa ‘Yo kamakailan. Inalam namin sa anak ni Cesar Montano kay Teresa Loyzaga kung ano ang real score sa kanila ng young actress na si Sofia Andres.
Diretsong sagot ng aktor, “Sofia and I are great, were good friends. Heto magkausap kami ngayon (hawak ang cellphone), actually susunod ako, kakain lang muna kami ni ate (personal assistant niya).
Pupunta kami ni Sofia sa event ng Vans (shoes). Nakuha ako sa Vans (as endorser) dahil kay DJ (Daniel Padilla) at kay Sofia.” Hirit namin kung hanggang good friends lang sila, “Yeah we are really good friends kasi wala namang balak o naghahanap si Sofia po ng relationship more than friends and same with me naman. We’re being nice to each other naman.
Ikinuwento rin ni Diego na totoong madalas silang magkasama ni Sofia, “Heto pa po, nakita rin kami sa club, baka isipin nagdi-date kami sa club kasi magkasama kami. Kasi we have mutual friends, it was the birthday of Julian Estrada (anak ni Sen. Jinggoy Estrata).
Saka ipinagpapaalam ko naman si Sofia kay tita Monet (mommy ng dalaga). Naaliw kaming pakinggang magsalita ng tagalog si Diego dahil maski hirap na hirap na ay talagang pinipilit niya. Trulili bang nagpaalam si Diego kay Inigo Pascual na liligawan niya si Sofia.
“Magkaibigan po kami ni Inigo. Napag-usapan nga namin ito sa GGV (taping) kanina na ang mga lalaki na usapan ang loyalty na hindi na kailangang pag-usapan. “Parang may rules kami, bro-code, siyempre kung ex (girlfriend) ng isang bro, hindi sa hindi puwedeng ligawan, pero there’s an awkwardness to it, pero sinabi ko kasi kay Inigo, magiging loveteam ko si Sofia, hindi ko naman pinili ‘yun, it’s the management’s choice so parang sinabi ko lang sa kanya in the most gentle, kindness and sincere way na, ‘Bro, there’s no disrespect, it’s just work.
Work is work.’ Kaya kapag tinatanong ako kung anong mayroon sa amin ni Sofia, sabi ko we’re friends,” pag-amin ng aktor. Paano kung na-develop na sila sa isa’t isa ni Sofia dahil madalas silang magkasama, “Wala po akong masasabi ro’n, pero as of now, malabo pang mangyari, focus sa work po and she’s just 17 and I’m 20, hindi naman ganu’n kalagi ang age gap,” sagot ng binata.
Nag-iisang anak na lalaki na ngayon ni Cesar si Diego, kaya may pressure sa a parte niya since pareho silang nasa showbiz, “Hindi lang po the last son of my dad, but I’m also the youngest male na Loyzaga ang apelyido. ‘Yung kapatid ko po (kay Teresa), Dizon po ang apelyido.
“So, maliban po doon sa ako na lang ‘yung Montano na anak ni Cesar Montano, it was also a pressure na ako na rin ang youngest Loyzaga at ang laging tanong sa akin ay kung magaling akong mag-basketball.
“Sensya na lang na hindi ako lumaki rito sa Pilipinas, so hindi ko naging sport ang basketball, hindi ko talaga nahasa, but of course, gusto ko, lagi akong nanonood ng NBA, I always play 2K, I tried, I play pero hindi ako kasing galing ng Loyzaga brothers, Dynamic Duo, my grandfather, iba pa rin po sila,” katwiran ng aktor.