Lagon, De Castro-Aparri kampeon sa Slasher Cup

BINIGO ni Engr. Sonny Lagon at nina Atty. Art de Castro at Ed Aparri ang powerhouse na delegasyon ng mga Amerikano na bantang ilipad ang kopa sa katatapos na 2016 World Slasher Cup-1 8-Cock Invitational Derby sa Smart Araneta Coliseum kahapon.

Nagtala ng parehong perpektong walong puntos si Lagon (Blue Blade) at ang tambalan nina De Castro at Aparri (Phoenix) sa kabuuan upang paghatian ang kampeonato.

Tiniyak nina De Castro at Aparri ang kampeonato nang irehistro ang ikawalong puntos sa Fight #60 ng kanilang Phoenix-II, ka-partner si Mario Villamor. Matatandaang naipanalo rin nina De Castro at Aparri ang World Slasher Cup noong 2010.

Unang sumubok na sambutin ang titulo ang Darth Vader Jared ni Jimmy Junsay (kasama sina Bobby Inigo at Dennis Reyes) subalit binigo ito ng manok ni Itoy Sison na binitaw ng Bikolanong si Ricky Magtuto sa pamamagitan ng kanilang JVS Camsur Ahluck-1 (6.5 points), ka-partner si Willard Ty.

Kinilala si Lagon, isa sa pinakapopular na breeder sa bansa, bilang pinakamayor na nanalo sa katatapos na World Slasher Cup. Umabante siya bitbit ang dalawang entry na parehong may apat na panalo sa pagsisimula ng kampeonato.

Nagtapos siya na may 15 panalo at isang talo (Blue Blade Farm AA – 8 puntos at Blue Blade Farm AA-5 RJM – 7 puntos). Inuwi nina Celso Evangelista/Experto GFP at Danny Lim (LS-AA-JSFDiego Clear Cut), na may 7.5 puntos, ang karangalan bilang runner-up.

Katulad na karangalan ang ililipad ni Nathan Jumper, apo ni Johnnie Jumper, (Longscore Filipinas USA Comb) na nagtala ng parehong puntos. Nagtapos na may 7 puntos sina Darth Vader Jared, Blue Blade, El Campeon/DW (Dr. Marvin Rocafort/Anthony Jacinto/CDLS), EP RJM AA PTM Sunhaven Bexan (Gov. Plaza/Paolo Malvar/Arjay Mea/Atong Ang) at CPB AAO (Gov. Claude Bautista).

Umiskor naman ng 6.5 puntos bawat isa ang Tamang Panahon (Boy Guinto), Deong-2 (Atty. Amante Capucchino), Longscore Blue Fever Experto GFP Inc.-3 (Experto/C. Evan), Super Eagle AAO/AA (Mayor Nene Aguilar/Sam Aguilar), JVS Camsur Ahluck-1, Mahakam Jet Sweater-1 (Jet Olaguer/
Soan at Achiu), Jump Start-1 Habagat GLA (GLA/Kano Raya) at Moa Wanda Salamanca 4 Kings-88 (Vice Mayor Marasigan).

Read more...