Enrique handang maghintay kay Liza: Baby ko ‘yan, hindi ko siya ipagpapalit!

enrique gil

Handang maghintay si Enrique Gil sa tamang panahon para sa seryosong pakikipagrelasyon kay Liza Soberano. Alam ng Kapamilya hunk actor na wala pa sa priorities ng ka-loveteam ang makipag-boyfriend, at naka-focus din sila ngayon ng dalaga sa kanilang trabaho kaya mahirap ding magpakaseryoso sa lovelife.

“But we’re happy kung anong meron kami, at basta masaya kami, walang problema na dapat. Happy lang, no worries,” ani Enrique sa interview ng press sa nakaraang presscon ng bagong Primetime Bida series na Dolce Amore.

Hindi problema kay Enrique kung paghintayin siya ni Liza ng matagal, “Yung sa akin, kung labeling lang, ang sa akin, what you feel is what really matters most. What you feel for each other at the end of the day ang mahalaga.”

Para sa binata, si Liza na ang “the one” at hindi na rin daw siya tumitingin sa ibang girls, “That’s maturity and that’s how it really goes. Again, I don’t want to exchange it for anything in the world.”

Of course, looking forward siya sa araw na makukuha rin niya ang matamis na “oo” ni Liza, “Pag tama na yung oras, pag okey na ang lahat ng sitwasyon, opo. Sure na yun!”

Sa ngayon itutuloy lang niya ang pag-aalaga kay Liza, “Just taking good of her, being there for her. Whatever she needs, I’ll be there.” Para sa binata, ang darating na Valentine’s day ang, “Most meaningful.

Siguro, ito lang ang Valentines ko na totoo para sa akin. Lalo na ngayon,na pareho na kaming nag-mature, we’re closer even more.”Nahingan din ng reaksiyon si Quen sa pagkakasama ni Liza sa Top 10 most beautiful faces of 2015 ng British website na TC Candler para sa 26th Annual Independent Critics List.

“Siyempre, dapat lang. Baby ko ‘yan, e. Kaya proud na proud ako. I’m super-super proud for her, and I’m always here for her, no matter what, no matter what,” sey pa ng Dolce Amor lead star.

Read more...