Kiray sa pagiging FHM cover girl: Grabe ha! dream ko talaga yan!!!

kiray celis

Handa nang magpaka-daring si Kiray Celis sa mga susunod niyang projects after ng “Love Is Blind” kung saan makakasama nga niya sina Kean Cipriano, Derek Ramsay at Solenn Heussaff, at showing na bukas.

“Why not? I’m on the right age naman. I’m 19 now pero lahat ng ginawa ko sa movie na ito sexy siya pero di bastusin so hanggang doon lang ako, na hindi ako mababastos ng tao at hindi ‘yung ‘Ay hindi maganda ang ginawa niya.’

Hindi ako aabot sa ganu’n,” paliwanag ni Kiray. E, paano kung may offer na mag-pose siya sa FHM? “Grabe! Ano to? Hindi pa kaya ng katawan ko. Nu’ng bata dream ko yon kasi bata pa ako, gaga pa ako noon. Ha-hahaha!

“Iniisip ko na rin siyempre for my own sake. Wow, talagang may ganu’n? Kasi hindi pa ready yung katawan ko, wala pa akong abs. Wala rin akong boobs at hindi ako magpapalagay.

“Magiging ready ako siguro kapag tumangkad pa ako ng konti na imposibleng mangyari. Kaya hindi na. Malabo na,” chika ng komedyana. Paano kung pilitin siya ng FHM? “Well, let’s see.

Ha-hahaha! Tingnan natin kung papayag yung mga madreng nagpaaral sa akin. Nag-aral ako sa St. Paul, pinag-aral nila ako nu’ng Prep ako hanggang matapos yung Grade 6.

“So ngayon, yung isa wala na. Yung isa naman buhay pa, so hindi pupuwede mag-ganu’n. Ngayon na medyo malabo na yung mata niya, hindi talaga yon papayag sa mga kissing scene kaya hindi niya talaga alam yung ginawa ko (sa pelikula),” sey pa ni Kiray na mas maraming pasabog sa pelikulang “Love Is Blind”.

Read more...