Batangas niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

batangas
Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 3.1 ang Batangas kahapon ng hapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-2:47 ng hapon.
Ang sentro nito ay natunton 17 kilometer sa kanluran ng Calatagan. May lalim itong 119 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Wala namang inaasahang aftershock sa lindol na ito.

Read more...