Palasyo nakiramay sa pagpanaw ni Seneres

IMG-20160208-WA0001
NAKIRAMAY ang Palasyo sa pagpanaw ni OFW Family Rep. Roy Seneres, Sr.

Kinilala rin ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Secretary Herminio “Sonny” Coloma ang naging kontribusyon ni Seneres sa bansa.

“Nakikiramay kami sa kanyang pamilya. Siya ay nagtaguyod sa kapakanan ng mga manggagawa bilang tagapangulo ng NLRC at nang itinalaga siya sa Gitnang Silangan bilang ambassador,” sabi ni Coloma.

Ayon kay RJ Seneres, anak ni Seneres, namatay ang kanyang ama alas-8:07 ng umaga sa edad na 68.

Umatras kamakailan si Seneres bilang kandidato sa pagkapangulo para sa nakatakdang eleksyon sa Mayo.

Read more...