Bus nasunog sa Camarines Sur

fire
NASUNOG ang isang pampasaherong bus na papunta sana ng Naga City habang binabaybay ang kahabaan ng Del Gallego, Camarines Sur, kaninang umaga.

Wala namang nasugatan sa 28 pasahero ng bus matapos silang makalabas ng bus bago pa man tuluyang lamunin ito ng apoy, ayon sa pulisya.

Sa ulat na nakarating sa Camp Gen. Simeon Ola, Bicol regional police headquarters, sinabi nito na binabagtas ng Penafrancia Bus ang kahabaan ng Andaya Highway sa Barangay Comadaycaday, Del Gallego ganap na alas-3:30 ng umaga ng tumagas ang gasolina nito, dahilan para pagmulan ng sunog.

Nanggaling sa Metro Manila ang bus na minamaneho ni Joseph Carpio.

Read more...