P7M nasungkit sa Baguio

lotto for site
Sa Baguio City tumaya ang nanalo ng P7 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 sa bola noong Sabado ng gabi.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ang nag-iisang nakakuha ng winning number combination na 14-35-37-9-21-17.
Nanalo naman ng tig-P19,070 ang 34 mananaya na nakalimang numero.
TIg-P520 naman ang 984 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya sa 15,319 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...