Matteo hindi natatakot ma-bash ng fans nina Liza at Enrique: Grabe, ang aastig nga nila, e!

liza soberano

SI Matteo Guidicelli ang magiging third party sa tambalang Liza Soberano at Enrique Gil sa bagong serye ng ABS-CBN na Dolce Amore na magsisimula na sa ngayong Pebrero sa Primetime Bida.

Kaya sa presscon ng programa, tinanong ang boyfriend ni Sarah Geronimo kung hindi ba siya natatakot ma-bash ng LizQuen fans. “Astig nga nila. Sobrang laki ng grupo nila pero nung nag-post ako ng pictures namin ni Liza, sobrang bait nilang lahat.

Sila mismo ang nag-welcome sa akin, ‘Matteo, welcome to the Lizquen family, welcome to this, welcome to that.’  “Maraming salamat sa kanilang lahat, sana mag-enjoy sila sa soap na ito.

Talagang pinaghirapan at pinaganda nang husto ang Dolce Amore para sa kanilang lahata,” sabi ni Matteo. Kahit daw ang AshMatt fans, (tagasuporta ng tambalan nila ni Sarah) ay nangako ng suporta sa Dolce Amore, “Okay naman,

I think they’re very happy that I have a primetime bida soap and now it’s with LizQuen. They are very supportive fans.”

Read more...