Lovi kay Grace: Nandito lang ako para sa kanya!

grace poe

Walang “plan B” si Lovi Poe kung sakaling ma-disqualify ang kanyang ate na si Sen. Grace Poe sa pagtakbo nitong pangulo sa darating na Mayo.

“I really haven’t thought of it. I don’t have a Plan B. Siya lang talaga for me,” pahayag ng aktres.
Ayon sa Kapuso actress, positibo siya na mababasura ang lahat ng disqualification case na isinampa sa kanyang kapatid.

“Circumstances don’t make her any less of a person. I believe in her. She’s a very good woman and I believe in her abilities rin. Like I always tell her, I’m just here to support her.

But then she has a good system around her,” chika ni Lovi. Nangako rin ang aktres na mangangampanya siya para kay Grace, “Wala pang schedule but I know I’m going to help.

Also with Heart (na best friend niya).”

Read more...