14 Pinoy, 5 iba pa patay sa hotel fire sa Iraq

LABING-siyam na katao, 14 dito ay mga Pilipino, ang nasawi nang matupok ng apoy ang isang hotel sa Iraq Biyernes ng gabi.

Kasama rin sa nasawi ay tatlong Iraqi, isang Palestino at isa pa na hindi pa natutukoy ang nationality, ayon kay Saman Barzanji, director general ng Arbil health department.

Dose-dosena rin ang bilang nang mga nasugatan at isinugod sa ospital, ayon naman kay Fakher Harki, ang spokesman nang nasabing departamento.

Napaulat na electrical problem sa sauna ang dahilan nang sunog na tumupok sa four-star Capitol Hotel na nasa lalawigan ng Arbil.

Umaabot mula sa $100 hanggang $240 per night ang presyo ng hotel room.

Hindi gaya ng maraming lugar sa Iraq na tigib ng mga karahasan, ang Kurdistan region  na nasa northern part ng Iraq ay nagsisilbing tourist destination.

 

Read more...