Kobe Bryant bumida sa panalo ng Lakers kontra Pelicans

NEW ORLEANS — Umiskor si Kobe Bryant ng 27 puntos, kabilang ang tatlong mahalagang 3-pointers sa huling anim na minuto, para tulungan ang Los Angeles Lakers na manalo ng dalawang sunod, 99-96, laban sa New Orleans Pelicans sa kanilang NBA game kahapon.

Si Bryant, na umiskor ng season-high 38 puntos kontra Minnesota Timberwolves, ay bumitaw ng tres may isang minuto ang nalalabi para makalayo ang Lakers, 98-92.

Matapos sumablay si Bryant sa kanyang free throw may 6 segundo ang natitira sa laro, nagkaroon ng pagkakataon ang Pelicans na itabla ang laro subalit sablay ang 3-pointer ni Jrue Holiday.

Gumawa si Anthony Davis ng 39 puntos para sa Pelicans, na natalo ng tatlong sunod.

Pistons 111, Knicks 105
Sa Auburn Hills, Michigan, bumitaw sina Anthony Tolliver at Reggie Jackson ng mga krusyal na 3-pointers sa huling bahagi ng ikaapat na yugto para pamunuan ang Detroit Pistons na binigo ang New York Knicks.

Si Jackson ay nagtapos na may 21 puntos, si Stanley Johnson ay nagdagdag ng 22 puntos at siyam na rebounds at si Andre Drummond ay nag-ambag ng 17 puntos at 13 rebounds para sa Detroit.

Read more...