Uge may lovelife na, pero ayaw nang pakasal at mabuntis

eugene domingo

May “lovelife” na sa wakas si Eugene Domingo. Ito ang inamin ng Kapuso TV host-actress sa nakaraang presscon ng bago niyang show na Dear Uge, ang first comedy anthology sa balat ng telebisyon na magsisimula na sa Feb. 14, after Sunday PinaSaya.

Nang tanungin kasi kung may nagpapatibok na ng kanyang puso, ito ang sagot ni Uge, “Meron na. I’m very happy right now. I care for someone. I’m not yet in love on a romantic level, but I’m really inspired.”

Pero sey ni Eugene, “Ayoko nang magka-baby. That’s being too selfish. Because I’m already 44. Yung lusog na sa akin ngayon, sa akin na lang yun. Bibigay ko pa du’n sa sanggol?”

Read more...