Amy Austria pinadugo ang labi ni Kathryn

amy austria

Walang kahalong kaetchosan na sinabi ni Amy Austria na pina-follow talaga niya sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Napahanga ang marami when she rattled off some of the movies and teleseryes nina Kathryn at Daniel na napanood na niya.

Binanggit niya ang “She’s Dating A Gangster” and Got To Believe. And when she was told that she’s going to enter in Pangako Sa ‘Yo, hindi na nagdalawang isip ang magaling na aktres.

In fact, inayawan pa nga niya ang isang teleserye sa kabilang network just to be with Daniel and Kath.
“There was one scene na hindi ko makakalimutan, ‘yung eksenang kailangan kong sampalin si Kathryn.

Finally nu’ng magagawa na, nag-prepare ako. Naggupit ako ng kuko, etcetera. Gusto niya (Kathryn) ng totoong sampal. Sabi ni direk mag-asawang sampal. Pagsampal ko, tinamaan ang bibig niya.

Ang labi niya dumudugo na. “Siyempre, ayoko namang i-cut ‘yon hanggang sa natapos ang eksena. Wala siyang pakialam talaga,”chika ni Amy sa grand finale thanksgiving presscon ng Pangako Sa ‘Yo.

Read more...