1 batalyon ng pulis dinagdag sa Masbate

masbate
Nagpadala ang pulisya ng isang batalyon, o humigit-kumulang 500 tauhan, sa Masbate para paigtingin ang seguridad sa lalawigan, na itinuturing bilang “election hotspot,” ngayong panahon ng halalan.

Dumating ang Regional Service Oriented Task Group (RSOTG) sa Masbate kamakalawa (Huwebes), sabi ni Senior Insp. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng
Bicol regional police.

Ang “battalion-sized” na task group ay binubuo ng mga pulis na kinuha mula sa mga unit sa anim na lalawigan ng Bicol at , Regional Public Safety Battalion, aniya.

“The deployment of RSOTG was approved by the COMELEC to brace for any eventuality in the countdown to the May 2016 polls, taking into consideration that Masbate province is among the priority provinces in the election watch-list areas,” ani Calubaquib.

Matatandaan na isa ang Masbate sa mga pinangalanang “election hotspot” ng pulisya at COMELEC, kasama ang Pangasinan, Negros Oriental, Samar, Maguindanao, at Lanao del Sur.

Sinabi kamakailan ni PNP chief Dir. Gen. Ricardo Marquez na pinag-aaralan pa kung isasama din sa listahan ng hotspots ang Abra at Nueva Ecija.

Bukod sa RSOTG, nakatakda ring magpadala ang Camp Crame ng isang kompanya, o aabot sa 100 tauhan, ng Special Action Force sa Masbate, ayon kay Calubaquib.

“Another sizable unit of the Philippine Army… will also arrive to complete Special Task Force Masbate [which will] enhance the capability of security forces in the province in ensuring a secure and fair election,” aniya pa. (John Roson)

– end –

Read more...