Tila hoping pa rin ang fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson na magkakabalikan sila.
Kasi naman, super tili ang supporters ng dalawa when a photo of Kim was shown while Gerald was singing at the Araneta Coliseum for the ABS-CBN Christmas Special.
Obviously, the fans are still hoping na kahit siguro sa big screen o sa telebisyon man lang ay magkabalikan ang dalawa.
Though umapir na ang dalawa sa “24/7” ng Star Magic at Star Cinema, nabitin lang daw ang fans dito.
Tingin namin, matatagalan pa ang pagsasama nila uli sa movie or sa TV, kasi nakatakdang gumawa ng movie sina Kim at Xian Lim.
Also, Xian was guarding Kim very tightly during the event. Although they have not admitted that they’re now into a relationship, marami ang naniniwalang magdyowa na nga ang dalawa.
Kaya hindi natin masisisi si Xian kung ganu’n na lang niya gwardiyahan si Kim dahil baka nga naman maagaw pa ng iba.