Curry bumira ng 51 puntos sa panalo ng Golden State kontra Washington

WASHINGTON — Umiskor si Stephen Curry ng 51 puntos at tinapatan ang career high 11 3-pointers para pamunuan ang Golden State Warriors sa panalo kontra Washington Wizards, 134-121, at pagkubra ng ikalawalong diretsong panalo sa kanilang NBA game kahapon.

Naibuslo ni Curry ang 13 sa kanyang naunang 14 tira at nakagawa ng 36 puntos sa halftime.

Tinapatan din ng defending champion Warriors (45-4) ang 1966-67 Philadelphia 76ers para sa best 49-game start sa kasaysayan ng NBA.

Pinangunahan ni John Wall ang Wizards sa itinalang season-high 41 puntos at 10 assists.

Thunder 117, Magic 114
Sa Oklahoma City, ginawa ni Russell Westbrook ang kanyang ikatlong sunod na triple-double sa itinalang 24 puntos, career-high 19 rebounds at 14 assists para sa Oklahoma City Thunder na naungusan ang Orlando Magic.

Tumira si Kevin Durant ng 3-pointer may kalahating segundo ang nalalabi para isara ang kanyang 37-puntos na paglalaro at ibigay sa Thunder ang ikalimang diretsong panalo.

Umiskor si Victor Oladipo ng 37 puntos para sa Magic, na natalo sa 14 sa 16 laro.

Spurs 110, Pelicans 97
Sa San Antonio, kumana si LaMarcus Aldridge ng 36 puntos para tulungan ang San Antonio na umangat sa  27-0 sa kanilang homecourt ngayong season matapos tambakan ang New Orleans Pelicans.

Nagwagi rin ang Spurs ng 36 sunod na laro sa kanilang homecourt sa kabuuan simula pa noong nakaraang season.

Read more...