Horoscope, February 05, 2016

Para sa may kaarawan ngayon: Susuwertehin ka sa araw na ito kung magsusuot ng alahas na silver. Sa pinansiyal, sa alahas na silver ay madagdagan ang kinikita. Sa pag-ibig, ang silver na singsing, kung laging susuutin, ang magpapainit ng nanlalamig na relasyon. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Bukod sa silver, buenas din ang red.

Aries – (Marso 21-April 19)—May malaking halaga ng salapi na darating. Wag ipagmayabang ang hawak na pera upang hindi ka mautangan. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shari-Dosya-Om” Blue at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Magtiis hangga’t kaya pa! Ang ginagawang pagsasakripisyo sa ngayon ay may malaking gantimpala sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, basta’t patuloy kang nagsisikap ay aayon din sa iyong kagustuhan ang kapalaran. Mapalad ang 7, 14, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om-Sandapha.” Brown at gray ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)— Ituloy at dagdagdan pa ang mga pagsisikap upang patuloy na dumating ang magandang kapalaran. Sa pag-ibig, maglaan ng maraming pera sa darating na Valentine’s Day upang lalong uminit at sumaya ang relasyon. Mapalad ang 1, 13, 26, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Om-Jhana-Om.” White at green ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Hindi dapat maging emosyonal. Tandaaan ang kasabihang: “Walang personalan, pera-pera lang!” Sa pag-ibig, wag seryosohin ang kasuyong Leo, paluluhain ka lang niya. Mapalad ang 2, 8, 19, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohan-Aum-Karan.” Green at yellow ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Paikot-ikot lang ang kapalaran. Kung namumroblema man sa pera sa ngayon, masosulusyonan din ‘yan sa susunod na mga araw. Sa pag-ibig, panatilihin ang pakikipagrelasyon sa maperang Aries. Mapalad ang 6, 17, 27, 36, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kubera-Aum-Regama.” Red at lilac ang bueans

Virgo – (August 23 – September 22)—Hindi dapat tumunganga at tanggapin na lang ang mga nangyayari. Kung hindi palalaguin ang salapi, paano ka yayaman? Sa pag-ibig, kung hindi lalambingin ang kasuyo ay hindi sasarap ang relasyon. Mapalad ang 1, 13, 26, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Om-Jhana-Om.” White at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Ituloy ang binabalak na paglalakbay. Sa malayong lugar mas madaling aangat ang kabuhayan. Sa pag-ibig, higit na masarap ang romansa sa kasuyong Virgo kung pansamantalang hindi muna kayo magkikita. Mapalad ang 2, 10, 29, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Adonai-Om-Elohim.” Lilac at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag munang bilangin ang itlog hanggang hindi napipisa. Kumilos lang nang kumilos, imbes na magkuwenta agad ng kinikita. Sa pag-ibig, hindi dapat hanapan ang kasuyo dahil ikaw din naman ay maraming pagkukulang. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama!” Purple at yellow ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Huwag mong intindihin ang mga naninira sa iyo, ang mas mahalaga ay ituloy mo lang ang iyong ginagawa dahil unti-unti kang umuunlad. Sa pag-ibig, pagpasensyahan ang pagiging makulit ng kasuyong Leo. Mapalad ang 3, 18, 22, 32, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Gold at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Huwag makipaglandian sa iba, may babala ng pagtataksil. Manatiling tapat sa kasuyong Cancer. Sa panansiyal, dagdag gastos lang ang pagpasok sa isang relasyong bawal. Mapalad ang 6, 18, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haribol-Aum.” Pink at purple ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Unti-unti mo nang matatakasan ang mabibigat na mga problema. Magpakalango sa tagumpay, i-blow-out ang sarili. Sa pag-ibig, wag mong intindihin ang mga taong hindi naman sa iyo nagmamahal. Mapalad ang 4, 15, 22, 35, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Soda-Vinda-Rama.” Red at orange ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)— Maiibsan ang problema dahil sa isang kasama na tatangap ng malaking halaga ay maaangihan ka . Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyo na “Magtipid-tipid ka naman upang umunlad ang ating buhay!” Mapalad ang 1, 19, 28, 33, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Nahmeh-Aum.” Orange at black ang buenas.

Read more...