Enrique bawal ligawan si Liza, di pa pwedeng maging magdyowa

ENRIQUE GIL AT LIZA SOBERANO

ENRIQUE GIL AT LIZA SOBERANO

ENRIQUE GIL and Liza Soberano seemed to have doused rumors na sila na.

When asked kasi the state of their relationship, kung nag-level up naman sa pagiging magdyowa, the two said nothing has changed.

“She was still the same…I would say not like before. At that point, ‘yung pagiging ano (magdyowa) hindi pa puwede sa ngayon. There are other priorities pero we’re in a place na we’re so happy. I’m happy. Label doesn’t mean anything as long as you’re happy,” said Enrique sa presscon ng Dolce Amore, ang bagong kakikiligang teleserye sa Dos.

“Masaya po, masaya po na lagi kaming magkatrabaho. It’s really good being with him because the foundation of our friendship is sobrang solid. I’m just happy with what’s going on right now,” say naman ni Liza.

In the teleserye, Liza is Serena, isang ampon na lumaki sa Italy at namuhay nang marangya. But then, gusto pa rin niyang hanapin ang nawawalang bahagi ng kanyang pagkatao – ang kanyang pinagmulan.
Enrique naman is Tenten, isang raketerong lumaki sa ampunan na gagawin ang lahat para sa pamilyang kumupkop sa kanya.

Magtatagpo ang mga mundo nina Serena at Tenten sa pagpunta ni Serena sa Pilipinas, isang bansang naririnig lamang niya mula sa kwento ng Pinay na yaya na nagpalaki sa kanya.

Mula sa hindi inaasahang pagkakakilala, sabay nilang hahanapin ang kanilang mga tunay na sarili at matatagpuan ang pag-ibig sa isa’t isa.

Kasama rin sa cast ng Dolce Amore sina Matteo Guidicelli, Cherie Gil, Ruben Maria Soriquez, Edgar Mortiz, Rio Locsin, Kean Cipriano, Sunshine Cruz, Andrew E at Frenchie Dy.

Read more...