Kiray natatakot makipag-sex kay Zac Efron

DEREK RAMSAY AT KIRAY CELIS

DEREK RAMSAY AT KIRAY CELIS

EXCITED na si Derek at ang iba pang member ng cast ng “Love Is Blind” sa nalalapit na showing ng kanilang pre-Valentine movie. In fairness, ngayon pa lang ay marami na ang atat na atat mapanood ang pelikulang idinirek ni Jason Paul Laxamana. Showing na ito sa Feb. 10 nationwide mula sa Regal Films ni Mother Lily Monteverde.

Siniguro nina Derek, Solenn, Kiray at Kean na sulit ang ibabayad ng mga manonood sa sinehan dahil wala raw kayong gagawin kundi ang tumawa nang tumawa.

At dahil nga tungkol sa gayuma ang tema ang pelikula, natanong naman si Kiray kung sino pa ang gusto niyang gayumahin bukod kina Derek at Kean, sagot ng komedyana, type na type niya raw ang Hollywood actor na si Zac Efron, pero aniya, ayaw daw niyang makipag-sex dito.

“Natatakot ako, e. Tsaka, hindi naman puro sex ang mahalaga, di ba? Pwede namang yakapin niya lang ako, okey na ako du’n. Basta ayokong makipagchurvahan sa kanya, nakakatakot!” chika pa ni Kiray.

Anyway, kung gusto n’yong makita up close and personal ang mga bida ng ‘Love Is Blind’, sugod na sa Market Market sa Linggo, 4 p.m. at sa Starmall Taguig, 7 p.m. Pupunta rin sa Starmall Talisay Cebu sina Kiray at Kean bukas para sa promo ng movie.

Read more...