Kailan susuwertehin sa pag-ibig? (2)

Sulat mula kay Donna ng San Pedro, Puerto  Princesa City, Palawan
Problema:
1. Naisipan kong kumunsulta sa inyo dahil gusto ko lang malaman ang aking kapalaran. Marami kasi akong gustong gawin sa buhay ko pero hindi ko naman magawa. Alam nyo marami din namang magagandang opportunities sa aking buhay, ang kaso mahina ako sa decision making kadalasan tuloy lumalagpas lang ito sa aking harapan na hindi ko naga-grab. Ang nangyayari tuloy lagi akong failure at nauuwi sa luha at pagsisisi.
2. Hanggang ngayon mabigat pa rin ang mga dalahin ko sa buhay. Gusto ko sanang mag-abroad pero kulang pa ang perang naiipon ko para sa pang-gastos. Tapos may anak akong isa sa pagkadalaga. Failure din ako sa relationship, money at job. Gusto ko na rin iwanan ang kasalukuyang buhay ko pero financially unstable ako. Makakatagpo pa kaya ako ng guy na tatangapin kung sino ako at kahit ano ang nakaraan ko? Kailan kaya darating ang suwerte sa aking buhay lalong-lalo na sa pag-ibig? February 13, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Donna ng Puerto Princesa, Palawan
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aquarius (Illustration 2.) ay nagsasabing sa ganitong sitwasyon ng buhay na sobrang dilim at sobrang gulo, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra ang tutulon at mag-aahon sa iyo sa mga problema.
Numerology:
Ang birth date mong 13 ay nagsasabing silang mga lalaking isinilang ang sa petsang 7, 16, 1, 10, 19, o kaya’y 28 ang mag-aahon sa iyo sa mga problema at kalungkutan ng buhay. At sa sandaling dumating ang lalaking nabanggit at nagkataong Libra pa ang kanyang zodiac sign tulad ng nasabi na, susuwertehin ka sa career at sa pag-ibig.
Luscher Color Test:
Upang magtuloy-tuloy ang suwerte at magandang kapalaran lagi kang magsuot at gumamit ng kulay na dilaw at itim. Sa nasabing kulay, tuloy-tuloy ng gaganda at bubuti ang iyong kapalaran.
Huling payo at paalala:
Donna, ayon sa iyong kapalaran pagpasok na pagpasok ng buwang ito ng Pebrero, subukan mo uling mag-aplay sa abroad, at makikita mo pagsapit ng buwan ng Mayo o kaya’y Hunyo makapag-aabroad ka na at habang nasa ibayong dagat, kusang darating ang isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra, kung saan, manliligaw siya sa iyo hanggang sa tuluyan na kayong makabuo ng isang maligayang relasyon. At sa panahong kayo ay nagpakasal na, tulad ng inaasahan, tuloy-tuloy ng uunlad ang itatayo nyo pamilya at habang buhay na magiging maligaya.

Read more...