Angelica unti-unti nang nakakalimutan si John Lloyd

angelica panganiban

There’s no denying the fact na hiwalay na nga talaga sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz.
Tell-tale signs are always surfacing on social media. Of late, palaging mag-isa na lang si Angelica sa mga Instagram posts niya. Wala na ang much-awaited photos nila ni John Lloyd.

Anyway, nagbakasyon recently si Angelica to probably breathe fresh air. Kasama niya ang kanyang Banana Sundae barkada at nag-adventure vacation sila sa Nayomi Resort sa Batangas na sinasabing pag-aari ng best friend ni Angelica na si John Prats.

Kitang-kita ang saya sa Instagram photos na ipinost ni Angelica kasama ang Banana Sundae barkada. Feel na feel niya ang company ng kanyang mga kasamahan sa trabaho. Marami ang natuwang fans ni Angelica sa mga photos.

“Basta kalma ka lng Angel, be humble,strong & more be a good pretty girl, there is a time for everything! Make more good ur job, at lage kang mapagpasensya :)God bless!” “Good for u….hwag mo hayaan sirain ang kalungkutan ng iyong damdamin sa isang tao di marunong magpahalaga sa pagmamahal mo…..di pa katapusan ng mundo matatagpuan mo rin ang tao na pra tlga sau….Angel.”
“Ganyan nga angel.. be with friends.

Make your self busy…life goes on. Be happy. I pray for you to find a good man you deserve. Maraming nagmamahal sayo angel.” Until now ay hindi pa nagsasalita sina Angelica at John Lloyd about their break-up.

Kahit si Bea Alonzo na sinasabing ipinalit ni Lloydie kay Angelica ay ayaw ding magpa-interview about the issue. But many believe na talagang sina JLC at Bea na dahil ilang beses na silang nakikitang magkasama sa mga lakaran.

Read more...