Kathryn, James, Enrique nominado sa 2016 Nickelodeon Kids’ Choice Awards

kathryn bernardo

Bongga ang mga Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo, James Reid at Enrique Gil dahil kabilang sila sa mga nominado para sa 2016 Nickelodeon Kids’ Choice Awards.

Nominated sina Kathryn, James at Quen Favorite Pinoy Personality category, kaya siguradong tuwang-tuwa ang kanilang fans sa panibagong achievement kanilang mga idolo.

Para makaboto, maaaring mag-log on ang fans ng tatlong youngstar sa https://kca.nick-asia.com/vote or through Twitter by using the #KCA hashtag along with the following: #VoteKathrynFPP for Kathyrn; #VoteJamesFPP para kay James; at #VoteEnriqueFPP para kay Enrique.

Nasa ika- 27th year na ang Nickelodeon Kids’ Choice Awards kung saan nagsasama-sama ang big-name celebrities sa Amerika para sa isang fun-filled show that honors the biggest acts and programs of the year. Ang mga mananalo sa iba’t ibang kategorya ay mula sa mga boto ng Nickelodeon viewers.

Ngayong taon, ang KCA ang gaganapin sa March 12 to be hosted by American singer Blake Shelton. Noong mga nakaraang KCA, ilan sa mga Pilipinong na-nominate rin sa Favorite Pinoy Personality category ay sina Sarah Geronimo, Charice and Daniel Padilla.

Read more...