May asawa na, gusto pa ang ex-BF

DEAR Manang @ Tropa,
Good day po sa inyo Ate Pher at tropa.
Ako po si Jean, 23, from Tacloban City.

Ask ko lang po sa inyo kung anong dapat kong gawin kasi po may asawa na po ako, isa ang anak namin.

Tapos po, may nakaraan ako sa una kong BF, pero may gusto pa ako sa kanya.

Sa ngayon ay may communication pa po kami sa isa’t isa. Sa katunayan po ay magkikita po kami pag-uwi niya galing Maynila, sa May po ang dating niya. Uuwi po siya rito sa amin para sa election. Anong dapat ko pong gawin? Thanks and more power.

Jean, not to be judging or anything, pero sabi mo nga may asawa ka na at anak. Hindi ba mas less complicated ang maging faithful sa iyong asawa at pamilya? Hindi ba mas magiging magulo kung makikipagkita ka sa ex-BF mo? Ultimately, it will be your decision to make.

Kung mahal mo talaga ang ex-BF mo at siya ang gusto mong makasama habangbuhay then break it off with your husband.

Huwag silang pagsabayin. Kung magiging unfaithful ka, masasaktan mo lamang ang lahat ng taong involved, pati na rin ang sarili mo. So to this, I say, really think if this is the best.
Ang payo ng tropa:
Hi Jean,

Simple lang naman kung nag-iisip ka, di ba? May asawa’t anak ka na. Kapag may asawa na dapat maging tapat ka sa asawa mo.

Huwag mong isipin ang pangsarili lang, gugustuhin mo bang maging broken family? I’m sure mahal mo rin naman ang asawa mo kaya nga naging asawa mo, right?

Huwag mong i-entertain ang feelings mo sa ex- BF mo kasi bawal na. Putulin na ang pagkikipag usap sa kanya dahil walang patutunguhan ‘yan, marami lang ang masasaktan.

Ang magandang gawin mo, try to focus your attention to your husband at lalo na sa anak mo. Mahalin mo sila nang buong-buo.

Magdasal at hingin sa Diyos na mawala na ang nararamdaman mo sa ex-BF mo at ang pinakaimportante humingi ka ng tawad.

Ate Jenny

Umayos ka, Jean! Wag kang pasaway. Pero kung makulit ka at walang pinakikinggan kundi sariling hilig, aba’y sumige ka. Sirain mo ang pamilya ninyo, pati ang buhay ng anak mo!

Matanda ka na, may sariling disposisyon kaya nasa sa iyo ang desisyon kung magpapakatanga ka o magpapakatalino ka sa problemang kinakaharap mo ngayon.
Patrick via Facebook

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o sa inquirerbandera2016@gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Read more...