Komedyante parusa sa mga katrabaho; hirap na hirap magmemorya ng linya

MAY kahirapan palang kaeksena ang isang male perso-nality ng isang reality show.

Kung pakikinggan ang kuwento ng kanyang mga katrabaho ay parang luma-labas na may katagalan na rin siya sa mundo ng telebisyon pero parang wala pa rin siyang natututuhan.

Nasa linya ng pagpa-patawa ang lalaking persona-lidad, pero puwede rin naman siya sa drama, maraming direktor ang nahihirapan sa kanya.

Kuwento ng source na nakakatrabaho ng male personality, “Ang tagal-tagal na niyang umaarte, pero mahina pa rin siya hanggang ngayon. May kahirapan siyang kaeksena, paulit-ulit ang take, nakakainip siyang katrabaho.

“Simple lang naman ang ipinagagawa sa kanya, mga ordinary and simple dialogues lang, pero hindi pa niya ma-memorize nang maayos. Hindi siya nabubulol, parang mahina siyang magkabisa ng mga linya niya.

“Kaya kapag siya na ang kukunan, sigurado ‘yun, parang breaktime ng maraming artista, kasi nga, hindi niya makuha-kuha ang mga bibitiwan niyang linya,” kuwento ng aming impormante.
Siya na lang ang aktibo ngayon sa kanilang batch dahil ang iba ay pumasok na sa ibang linya, ang iba naman ay nangibang-bansa na, siya na lang ang umaarte pa hanggang ngayon.

“Suwerte niya dahil kahit paano, e, may mga projects pa rin siya sa network nila, kung sa iba-iba lang ‘yun, hindi na siya ika-casting dahil mahina nga siya.

“Pero sana naman, e, mag-aral siya, pagaanin naman sana niya ang trabaho ng production. Palagi siyang cause of delay. Hindi naman puwedeng palaging ganu’n.

“Bradly Guevarra, ilang taon na ba niyang ginagaya ang isang becking TV host, ang tagal-tagal na, di ba? Pakainin mo nga siya ng sa-ging!” pagtatapos ng aming source.

Read more...