Willie hindi agad mauubos ang kayamanan... bilyones pa rin ang halaga ng mga ari-arian | Bandera

Willie hindi agad mauubos ang kayamanan… bilyones pa rin ang halaga ng mga ari-arian

Cristy Fermin - February 02, 2016 - 02:00 AM

willie revillame

Magaan na ang bulsa ngayon ni Willie Revillame kumpara nu’ng mga unang buwan ng pagsahimpapawid ng kanyang programang Wowowin sa GMA 7.

Solo niya ang lahat-lahat ng gastos nu’n, galing sa bulsa niya ang lahat-lahat, pero kung kailan naman nag-daily na ang kanyang show ay saka pa siya nakahinga nang maluwag-luwag.

Co-prod na kasi sila ng network, hati na sila sa pang-araw-araw na gastos, malaking kaluwagan ‘yun para kay Willie. Magkatuwang na sila ngayon ng kanyang istasyon, pati sa kikitain ng show ay hati na ang labanan nila, napakagandang oportunidad ang ibinigay sa kanya ng GMA.

“Ano pa ba naman ang hahanapin ko? Tutok na tutok sila sa akin? Palagi akong tinatawagan para kumustahin ni Sir Joey Abacan, tsine-check niya kung anu-ano pa ang mga kailangan namin sa show.

“Mahihirapan talaga akong iprodyus ang Wowowin nang ako lang. Sa airtime pa lang, napakalaki na ng cost, paano pa ang staff, ang mga co-hosts, ang mga papremyo namin? Pero ngayong magkatuwang na kami sa lahat ng gastusin, nakakahinga na ako nang maluwag ngayon,” pahayag ng aktor-TV host.

Kung tutuusin ay hindi naman matutuyuan ang kaban ni Willie kung sosolohin niya lang ang produksiyon ng Wowowin, bilyon ang aabuting halaga ng kanyang mga propyedad, may pagkukunan siya ng pampuhunan.

Pero hindi na niya kailangang umabot pa sa ganu’n. Dahil sa matinding suportang ibinibigay sa kanya ng GMA 7 ay hindi na niya kailangan pang magbenta ng kahit anong naipundar niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending