Sa abroad susuwertehin (2) | Bandera

Sa abroad susuwertehin (2)

Joseph Greenfield - February 02, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Arnold ng Poblacion II, Obrero, Butuan City Problema: 1. Nag-aaplay po ako sa ngayon sa abroad bilang seaman. Tapos po ako ng Marine Engineer, pero more than two years na akong gradueyt, di pa rin ako nakakasampa sa barko. Minsan tuloy na iisip ko malas yata ako sa propesyon kasi iyong mga kasabayan ko naka-sampa ako na lang ang naiwan dito sa Pilipinas. 2. Nasa abroad na sila, marami na akong napuntahang agency pero puro waiting lang ang status ng apply ko. May pag-asa pa kaya at kailan kaya ako susuwertehin na makapag-abroad? March 28, 1989 ang birthday ko. Umaasa, Arnold ng Butuan City Solusyon/Analysis: Astrology: Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing matapos ang maraming rejection o frustration sa mga dating inaplayan, pagsapit na pagsapit ng taong buwan ng Mayo magugulat ka pa, dahil kusa ka ng susuwertehing matanggap sa isang shipping company na may maganda at malaking suweldo. Numerology: Ang birth date mong 28 ay nagsasabing sa sandaling sinuwerte ka na makapag-abroad, tuloy-tuloy ka ng pabalik-balik na makasampa sa barko hanggang sa ikaw na mismo ang sawaan, pero sa puntong iyon maraming-marami ka ng ipon at maraming-marami ka ng pera. Luscher Color Test: Upang suwertehin at lalong maging mabunga ang nasabing pangingibang bansa, iminumungkahing kapag nasa abroad ka na, lagi kang gumamit ng mapalad mong kulay na dilaw at pula. Sa nasabing kulay mas marami pang suwerte at magagandang kapalarang darating sa iyong buhay. Huling payo at paalala: Arnold ayon sa iyong kapalaan, kung hindi ka pa sinuwerte nitong nagdaaang mga taon sa pag-aaplay sa abroad, nakatakda na ang magaganap sa taong kasalukuyan 2016 sa buwan ng Mayo o kaya’y Hulyo, sa edad mong 27 pataas susuwertehin ka na, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran na siya na ngang magiging simula upang tuloy-tuloy ng umunlad ang iyong career at ang iyong propesyon hanggang sa tuluyang lumago ang iyong kabuhayan bilang isang ganap at mahusay na seaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending