Enrique pumayag maging call boy; mga beki naglaway

enrique gil

Ay, ang kyut-kyut ni Enrique Gil sa trailer ng Dolce Amore, ang soon-to-be shown na soap nila ni Liza Soberano. Sa teaser pa lang, madrama na ang mga emote ng aktor dahil matagal na pala itong orphan at walang umaampon kaya’t ang mga workers doon na sina Bobot Mortiz at Rio Locsin na lang ang nagpalaki sa kanya.

Lumaki siyang kapamilya ng mag-asawa na may isa namang anak na nang lumaki ay naging kuya ni Quen na si Kean Cipriano. Ipinakita rin ang eksena habang kumakanta sila sa lamay. Kuwela ang pagpapakilala ng character ni Quen bilang si Tenten dahil sa puntong nagipit ito dahil sa pagkakasakit ng ama-amahan ay susubukan nitong maging call boy!

Sa totoo lang, exciting siyang tingnan bilang gutsong magpapik-up sa customer. Ha-hahaha! Nakakatawa yung eksena na nakasando at maong pants ang binata habang nakatambay sa kanto at na-pick-up ni Liza Soberano, na tumakas naman sa Italy dahil gusto itong ipakasal sa kababata niyang si Matteo Guidicelli.

Trailer pa lang ang ipinapakita and yet, para na kaming nanonood ng isang bonggang movie. Napakasosyal pakinggan nu’ng Italian language speaking moment nina Cherie Gil, Matteo at Liza. Ha-hahaha!

Malakas ang feeling namin, magiging kasing-successful din ito ng Forvermore nila o baka malampasan pa! First time rin naming makapanood ng soon-to-be-launched soap na bonggang-bongga ang teaser!

Does this mean na ganu’n nga ka-importante bilang mga young superstars ng network ang LizQuen? Iba kasi ang pag-aalaga sa kanila. Ha-hahaha!

 

Read more...