Inaprubahan ng House committee on women and gender equality ang panukala na gawing 100 araw ang maternity leave ng mga nanganak.
Ayon sa may-akda ng panukala na si Las Pinas Rep. Mark Villar kulang ang 60 araw na maternity leave na ibinibigay sa mga kasalukuyang empleyado sa gobyerno at pribadong kompanya.
“Philippine laws, which grant only 60 days, and in some cases 78 days of maternity leave, clearly fall short compared to the international standard of 14 weeks,” ani Villar.
Sa ilalim ng House bill 6399 o ang “One Hundred (100)-Day Maternity Leave Law ang mga nanganak ay maaaring mag-leave ng dagdag na 30 araw.
“By institutionalizing reforms in the system, we hope to find a more sustainable approach so that mothers would not have to choose between family and work,” saad ng solon.
Mayroon ding panukala si Villar na naglalayong bigyan ng maternity leave benefits ang mga manganganak kahit hindi pa ito kasal.
“Marriage should not be used to discriminate. Single mothers working in the government should not be treated as second-class citizens,” anito.
Sinabi ni Villar na sa ilalim ng Commonwealth Act 647 tanging ang mga babaeng kasal lamang ang may maternity leave. Hanggang ngayon ay pinatutupad pa rin umano ito sa ilalim ng Administrative Code of 1987.
“The government must recognize the unique role of women in the development of our country as a rising economy.”
30
100 araw na maternity leave inaprubahan ng House panel
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...