Isang mananaya sa Cavite ang nanalo ng P159.2 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 noong Sabado.
At may nanalo rin sa P7.1 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42. Siya ay tumaya sa Iba, Zambales.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, sa Bacoor, Cavite tumaya ang nanalo ng 6/55. Siya ang nag-iisang nakakuha sa winning number combination na 6-25-17-9-14-12.
Nanalo naman ng tig-P17,580 ang 103 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.
Nanalo naman ng P390 ang 3,649 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 49,581 mananaya na nakatatlong numero.
Samantala, ang mananaya sa Zambales ang nag-iisang tumaya sa mga numerong 15-10-19-28-7-26.
Nanalo ng tig-P9,810 ang 63 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P210 naman ang 2,313 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 26,009 mananaya na nakatatlong numero.
P159M nakuha sa Cavite; P7M nasungkit sa Zambales
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...