PACMAN minalas dahil kina JINKEE at MOMMY DIONESIA?

Manny Pacquiao, Juan Manuel MarquezMasyado na raw kasing yumabang, puro luho na lang

Yes, natumba nga si Manny Pacquiao sa huling laban niya kay Juan Manuel Marquez sa Las Vegas. Marami ang napaiyak – marami ang nalungkot sa sinapit ng pinakamahusay nating boksingero, but you know, there are reasons kung bakit nangyari ito.

Maaaring ito’y isang wake-up call na rin kay Manny at sa lahat ng nakapaligid sa kanya – na hindi tayo puwedeng mabuhay sa kayabangan, sa pagiging mapangmataas.

In fairness naman kay Manny, mabait na tao ito – pero ‘yung mga taong nakapaligid sa kanya ang sumosobra na ere. Hindi na sila marunong lumingon sa kahapon.

These include his wife Jinkee na sobra nang nagmamayaman, na parang may stiff neck na at hindi na talaga maabot.

Puro na lang Hermes bags ang topic tungkol sa kanya, puro na lang negosyong pangmayaman ang nakakabit sa kanilang pangalan.

Kahit si Mommy Dionesia, nawala na rin ang kanyang pagiging pure. Hindi na siya kasing-cute ng dati. Medyo nalamon na rin daw ng sistema ng kaperahan.

Hindi na raw kasi ito nai-invite ng kanyang mga kababayan sa GenSan pag walang bayad.

She has to be paid daw not less than P150,000 per appearance or something to that effect.

Totoo ba ‘to? Ganyan na sila “kamahal” ngayon?

Kumbaga, tinapik lang daw ng Panginoon si Manny to humble him.

Lalo pa’t nagpalit siya ng relihiyon, hindi na raw ito nagsusuot ng rosaryo dahil Born Again na siya at bawal nga sa kanila ang rosaryo.

Siyempre, nalungkot tayong lahat sa sinapit niya pero ganoon talaga, hindi ka naman laging mananalo.

You win some, you lose some.

Mas masaya sana kung nanalo siya pero kailangan din nating tanggapin sa mga puso natin na hindi Pasko araw-araw.

Or baka senyales na ito na dapat na siyang tumigil sa pagboboksing dahil baka mas mapasama siya sa susunod na laban pag di pa siya tumigil.

Kailangang pag-isipan niyang mabuti kung lalaban pa siya uli. Hindi rin biro ang mapuruhan ng suntok – this is fatal, ha!

After all, he is so rich na, ano pa ba ang dapat niyang patunayan?

After being knocked down, it will be harder for him to regain his confidence – that’s psychological.

Kaya ang dapat niyang gawin ay mag-retire na habang maaga pa and make good sa kung anong meron siya ngayon.

Mag-concentrate na lang siya sa pagiging public servant, sa pagiging matulungin niya but this time, it has to come from his heart – with or without cameras, tama?

Tsaka bawasan na ang mga walang-katuturang luho, live a normal and simple life.

Kasi nga, pag lumaban pa rin siya sa susunod, never-ending na namang labanan iyan.

Pag natalo niya si Marquez, meron na namang nakabinbing desisyon kung itutuloy niya ang laban kay Mayweather.

Pag natalo naman siya ni Marquez, end na ng career niya.

Kaya bakit pa niya hihintaying matalo siya ulit ni Marquez at masiraan ng disposisyon, di ba?

Enough with wealth, okay na naman siya kaya dapat tumigil na siya sa kaboboksing.

Mahirap ang maging gahaman sa yaman at kasikatan, ha. Just a reminder.

Read more...