Angel sa Darna movie: Ang mahalaga ngayon ay gumaling ako!

angel locsin

Hindi pa rin kinukumpirma o dinidenay ni Angel Locsin ang balitang siya pa rin gaganap na Darna sa bagong movie version nito.”Ang priority ko po kasi talaga ay magpagaling (sakit sa likod).

May konting usap-usap pero ang kailangan lang po talagang mangyari ay maging successful po ‘yung operation at walang mangyayaring masama after that. So iyon lang po ang iniisip ko,” she said in an interview.

Although may mga names nang naglabasan na posibleng pumalit kay Angel sa “Darna 2016” movie like Nadine Lustre, Liza Soberano and Jessy Mendiola, mas marami pa rin ang boto kay Angel para gumanap sa iconic Pinoy superhero na ginampanan na niya noon sa TV.

Read more...