May bagong negosyo, magparehistro sa SSS

MAGANDANG araw sa inyong lahat ng staff ng Aksyon Line. Ako si Ricardo San Vicente ng San Juan City. Isa akong may-ari ng maliit na kumpanya. Kakaumpisa ko lamang ngayong January 2016. Gusto ko lang itanong sa SSS kung ako ba ay obligadong magparehistro bilang isang employer ng aking kumpanya? Ako lamang ang nag-iisang tauhan nito dahil hindi pa naman kinakailangan sa aking kumpanya ng mga tao. Kaya ko pa namang gampanan ang lahat ng gawain sa aking kumpanya. Ang aking business ay buy and sell. Ang impormasyong inyong maibibigay ay lubos kong pinasasalamatan.

Gumagalang,
Ricky

REPLY: Ito po ay bilang tugon sa katanungan ni G. Ricardo San Vicente ukol sa pagpaparehistro sa SSS.

Ayon sa batas ng social security, ang mga self employed na indibidwal, anuman ang uri ng kanilang negosyo na kumikita ng P1,000 sa isang buwan at hindi pa umaabot sa 60 taong gulang ay dapat mag-rehistro sa SSS bilang self employed member.

Pinapayuhan po namin si G. San Vicente na magsadya sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS para magparehistro. Magdala po ng birth o baptismal certificate, pa-saporte, driver’s license, seaman’s book o di kaya ay Professional Regulation Commission card. Maaari po ninyong i-download at i-print ang SSS Form RS-1 o ang Self Employed Data Record Form mula sa aming website na www.sss.gov.ph para ito ay mapunuan at maisumite sa SSS.

Sana po ay nabigyan namin ng linaw ang katanungan ninyo, G. San Vicente. Salamat po sa in-yong patuloy na pagsuporta sa SSS.

Sumasainyo,
May Rose DL Francisco
SSO IV
Media Affairs
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa inquirerbandera2016@gmail.com o sa jbilog@bandera.ph.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...