Duterte pupunta sa Vatican | Bandera

Duterte pupunta sa Vatican

Ramon Tulfo - January 30, 2016 - 03:00 AM

MAY pinakitang litrato sa akin kung saan umiiyak si Davao City Mayor Rody Duterte na parang bata.

Ang eksena ay sa isang bahay sa Tacloban City apat na araw matapos balasahin ng Supertyphoon “Yolanda” ang Eastern Visayas .

Dumating si Digong, palayaw kay Duterte ng kanyang mga kaibigan, sa Tacloban ng Martes, o apat na araw pagkatapos daanan ang lungsod ni Yolanda.

Nakarating si Digong sakay ng isang four-seater helicopter galing ng Davao City na apat na oras ang biyahe.

Tacloban City was the most battered by Yolanda.

Napahagulgol si Duterte matapos niyang makita ang libu-libong bangkay na nakahilata pa sa mga daan at mga taong naglalakad na walang paroroonan na parang mga zombie.

Hindi nakayanan ng mayor ang kanyang nakita.

Huwag ko raw ipakilala kung sino siya, sabi ng lalaking nagpakita sa akin ng litrato ng umiiyak na Digong. Ang lalaki ay isa sa mga survivors ng Yolanda.

“Maaram ngay-an hiya magtuok, Mon (Marunong pala siyang umiyak),” sabi ng lalaki.
Ibinalita ko ang pag-iyak ni Duterte upang ipakita ang ibang personalidad ni Digong na hindi nag-aalinlangan na ipasalvage ang mga kriminal at drug pushers.

Ang pinakamalaking problema ng bansa ngayon ay krimen at droga, na magkaakibat.

Maraming kahindik-hindik na krimen— gaya ng walang awang pagpatay, panggagahasa at pagnanakaw—ay ginagawa ng mga taong bangag sa pinagbabawal na gamot o shabu.

Sa Metro Manila, kung saan pinakamaraming populasyon sa bansa at pinakamataas na crime rate, 92 porsiyento ng mga barangay ay nasa impluwensiya ng droga.

Kung hindi matigil ang problema sa droga, baka magaya ng Colombia o Mexico ang ating bansa.

Sa mga bansang nabanggit, nasasakupan ng galamay ng droga ang maraming sangay ng gobyerno at lipunan.

Sa lahat ng presidential candidates—Duterte, Vice President Jojo Binay, Sen. Mar Roxas, Sen. Grace Poe, Sen. Miriam Defensor-Santiago at Party-List Rep. Roy Seneres—tanging si Duterte lamang ang nangako na susugpuin niya ang krimen at droga kapag siya’y nahalal.

Sinabi ni Digong na nawawala ang problema ng droga at krimen sa anim na buwan.

Hindi siya nagbigay ng time frame sa pagsugpo ng graft and corruption.

Pero ang mga kurakot at abusadong tauhan ng gobyerno ay titigil sa kanilang masamang gawain dahil sa pahiwatig na susunod na sila sa mga kriminal at drug lords.
Bibigyan ko kayo ng sekreto: Pupunta si Digong sa Vatican upang humingi ng audience kay Pope Francis upang humingi ng patawad.

Namura kasi ni Digong ang Santo Papa dahil sa napakahabang traffic jam sanhi ng kanyang state visit sa bansa noong nakaraang taon.

Pinagsisisihan na ni Digong ang kanyang pagkakamali.
Sabi ng isang insider sa kampo ni Duterte, kahit na hindi siya bibigyan ng audience ni Pope Francis,

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

pupunta pa rin siya sa Vatican as an act of contrition.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending