Grace payag magkaroon ng artista sa kanyang gabinete; special mention sina Isko at Dingdong
KUNG mananalong presidente sa darating na eleksyon si Sen. Grace Poe, okay sa kanya ang magkaroon ng cabinet member na mula sa mundo ng showbusiness.
Bahagi na ng buhay ng senadora ang showbiz, bukod kasi sa anak siya ni Da King Fernando Poe, Jr. at ng Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Ms. Susan Roces, naging chairman na rin siya ng MTRCB at nakasama rin sa ilang pelikula ni FPJ noong bata pa siya.
Sa ginanap na multiplatform interview ng Inquirer Group of Companies (Meet The Inquirer) nu’ng Huwebes kay Sen. Grace bilang bahagi ng 2016 presidential elections coverage, tinanong namin ang senadora kung plano niyang mag-appoint ng mga artista sa kanyang gabinete.
“Alam mo minsan yung mga ganitong showbiz questions pa talaga yung makakadale sa iyo kaya wag nating mamaliitin yan,” nangingiting simula ng isa sa mga tatakbong presidente sa darating na eleksiyon.
“My basis for choosing members of my cabinet or in any position in government should be integrity competence professionalism and the ability to deliver in a timely manner, whether in showbiz, male or female, they’re welcome to serve in my administration as long as they have those attributes I think we’ve seen.
“And I’m quite proud one of my senatoriables (Isko Moreno) has started out really literally from smokey mountain, and as you know earned his way all the way to being a public servant, being an actor, studying, serving in local government and being where he is now.
“I think this is a fine example, you may not like the cards that you are dealt with but then you make the most out of it. And I think this is also for our friends in showbiz, some of them are great communicators. Dingdong Dantes I think is in the National Youth Commission but when I spoke to him he is very knowledgable about what’s happening in the youth sector, he is very active I think even in the National Commission for Culture and the Arts.
“So hindi dapat maliitin kung ano mang sektor yan, sektor ng magsasaka, sektor ng kultura o ano pa man,” paliwanag pa ng senadora.
Tinanong din namin siya kung may pagkakataon ba na nagparamdam si FPJ sa kanya o binigyan siya ng sign para ituloy at ipaglaban ang pagtakbo sa panguluhan sa Mayo.
“Wala naman. Pero yung paramdam yung parang yung nakikita ko lang, hindi namam yung parang may ghost du’n, walang ganu’n. Pero minsan pag meron akong mga hamon sa buhay, minsan may magte-text sa akin sasabihin, ‘M’am wag mo kalimutan yung sinabi ni FPJ noon na mas mataas sa batas ang kapakanan ng mga tao.’
“O kaya minsan bubuksan ko yung telebisyon pinapalabas sa, sorry plug ng konti, sa Cinema One yung Panday tapos meron du’n iyong (eksena)…matitikman yung ano ng Panday o whatever. Sa mga ganoong paraan lamang yung paramdam,” aniya pa.
Dugtong pa ni Sen. Grace, “Ang parati sa panaginip ko, pag nakikita ko yung tatay ko, parang palagi na normal lang na mabilis na parang may pupuntahan siya ulit. Na parang hinahabol ko siya. Hindi ko nga maitindihan kung ano ang ibig sabihin nu’n hanggang ngayon.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.