Malditong male singer mala-tambutso ang bibig dahil sa yosi | Bandera

Malditong male singer mala-tambutso ang bibig dahil sa yosi

Cristy Fermin - January 29, 2016 - 01:08 PM

SIYA na talaga! ‘Yun ang sigaw ng halos lahat ng nakasama ng isang male singer sa isang malayong piyestahan. Nagsama-sama sa isang coaster ang ibang performers pero ang malditong male singer ay humiwalay pa ng sasakyan.
Napuwersa tuloy ang show promoter na kumuha pa ng isang extra van para sa male singer at sa kanyang mga kasama. Nagtaasan ang kilay ng kanyang mga kapwa singers nang malaman ng mga ito na gusto niyang bumiyahe nang sarilinan.
Pero ang totoo, “Paano siya papayag na sa coaster sumakay kasama ang mga co-singers niya, paano siya magyoyosi? E, alam n’yo naman si ____ (pangalan ng may kaangasang male singer), isa siyang sunog-baga!
“Ikamamatay niya kapag hindi siya nakapagsigarilyo, ‘yun ang buhay niya, puwede siyang hindi kumain pero kailangan niyang magpabuga! Napakalayo kaya ng biyahe, ilang oras ‘yun!
“Kapag siya nga lang naman ang sakay ng van, puwede niyang pakiusapan ang driver na ihinto muna ang sasakyan, di ba?” simulang kuwento ng aming source.
Heto na. Halos magkasunod lang namang dumating sa venue ng show ang coaster at ang van na nirentahan para sa male singer. Maraming kuwento ang piloto ng van.
“Nakipagkuwentuhan siyempre ang driver ng van sa driver ng coaster. Naloka sa male singer ang driver ng sasakyan, para raw palang bulkang pumuputok ang bibig ng male singer sa tinding magyosi!
“Hindi na pala sila humihinto, nagbubukas na lang ng bintana ng van ang hitod na ‘yun kapag nagyoyosi siya! Napakalakas niya talagang magyosi dahil kada limang minuto, e, suba siya nang suba!
Pangaralan nyo nga ang male singer na ‘yan! Sabihin mo sa kanya na too much yosi will kill him!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending