Chiz, Loren nanguna sa bagong Pulse Asia survey

Ni Leifbilly Begas
NANGUNA sina Senator Francis Escudero(74.1 %)  at Loren Legarda (69.3%) sa pinakahuling survey sa pagkasenador na isinagawa ng Pulse Asia.
Pumangatlo naman si Sen. Alan Peter Cayetano na may 60.1 porsyento na sinundan nina San Juan Rep. Joseph Victor Ejercito Estrada (57), Cagayan Rep. Jack Enrile (53.2), at dating Las Pinas Rep. Cynthia Villar (52.2).
Pampito naman si Sen.Koko Pimentel (50.2), na sinundan nina Sen. Gringo Honasan (44.9), Sen. Antonio Trillanes (43.2), Nancy Binay (41.3), Aurora Rep. Sonny Angara (40.8), at pang-12 si dating Sen. Migz Zubiri (40.5).
Sumunod naman sina dating Sen. Jamby Madrigal (34.4), dating Sen. Dick Gordon (29.7), dating Sen. Jun Magsaysay (28.8), Bam Aquino (27.9), dating MTRCB chair Grace Poe (24.7), dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros (21.2), dating Sen. Ernie Maceda (16.7), Tingting Cojuangco (14.2), Puerto Prinsesa Mayor Edward Hagedorn (8.8), Zambales Rep. Mitos Magsaysay (7.7), at Bayan Muna Rep. Teddy Casino (5.3).
Ang survey ay ginawa mula Nobyembre 23 hanggang 29. kinuha rito ang opinyon ng 1,200 respondents na edad 18 pataas.

Read more...