MASAYA ang laban ng dalawang kandidato sa isang lalawigan na malapit sa Metro Manila.
Ang magkalaban ay parehong “killer” ng mga mayayamang matrona (Read: Kung hindi man biyuda ay hiwalay sa mister na may mga edad na).
Ayon sa ating Cricket, pareho raw ng istilo ang dalawang magagaling na politiko lalo na kung ang kausap o ka-meeting nila ay mga matronang madadatung o may pera.
Talagang klik na klik ang kanilang panunuyo, ibang-iba ang ginagawang paghingi ng suporta.
Biruin nyo naman, para makakuha ng suporta, idini-date nila ang kanilang mga prospect na suporter.
Si Candidate D ay dati nang may pwesto sa gobyerno bilang isang elected official ng lalawigan.
Kahit papaano ay marami na siyang tagasuporta lalo na sa hanay ng mga milyonaryang byuda.
Masyado raw sweet itong si Candidate D. kaya madali siyang nakakakuha ng financial support sa kanyang mga target.
Ito namang si Candidate P. ay ngayon pa lang pumuporma sa pwestong tinatakbuhan din ni Candidate D.
Tulad ng kanyang kalaban ay super sweet din itong si Candidate P. sa panunuyo ng mga milyonaryang may mga edad na.
Pero mas matindi raw itong si Candidate P. dahil pati mga bading basta’t may datung ay talagang sinusuyo niya for financial support.
Matindi talaga ang paghahangad ng dalawa na manalo at maglingkod sa kanilang nasasakupan.
Si Candidate D. at Candidate P. ay parehong galing sa iisang idustriya. Parehong sikat at parehong makisig kaya for sure ay kilala nyo na silang dalawa.
Ay, huwag na kayong humingi ng clue, isa-isahin na lang ninyo ang mga lalawigan na malapit sa Metro Manila at tiyak na matutumbok ninyo kung sino ang tampok sa ating kolum ngayon.
May reaksyon o tanong, i-text ang WACKY, pangalan, edad at mensahe sa 09178052374 o kaya ay sumulat sa inquirerbandera2016@gmail.com