PNoy hindi makukulong, ayon kay Poe

Poe-Aquino

Poe-Aquino


Hindi nakikita ng presidential aspirant na si Sen. Grace Poe na makukulong si Pangulong Aquino kapag kinasuhan ito pagbaba niya sa puwesto.
Pero sinabi ni Poe na maaaring mayroong mga miyembro ng Gabinete na posibleng mapatawan ng parusa kung mapatutunayan na mayroong pananagutan ang mga ito sa kanilang ginawa.
“From what I know as long as he did not maliciously steal or do anything…. you may have some shortcoming when it comes to your administration nobody is blameless
but when it comes to the President I think it would be difficult for them to have a case against him,” ani Poe.
Hindi rin umano maitatanggi na malaki ang iniunlad ng bansa dahil sa matibay na paninindigan ni Aquino laban sa korupsyon.
“I think that his strong stand against corruption has given our country an unprecedented growth but its not enough,” dagdag pa ni Poe. “We’ve seen also that there are many in his cabinet, a few on his cabinet that need to be accountable.”
Sinabi ni Poe na wala ng tatakbong presidente kung pagkatapos nito ay makukulong naman.
“Why would you want to b president kung pagkatapos ikukulong ka,” saad ng senadora.
Samantala, kung tinutuligsa man ang KKK (Kaibigan, Kaklase, Kabarilan) ni Aquino, ito naman ang tututukan ng adminsitrasyon ni Poe.
Ang kanyang KKK- Kabuhayan, Karunungan at Kaligtasan.

Read more...